Advisories/Announcements

Jul-2014 GULAYAN SA BARANGAY-PAARALAN at BAKURANAng GULAYAN SA BARANGAY/SA PAARALAN/at SA BAKURAN ay isang programang naglalayong magkaroon ng pagkaing masustansiya sa hapag-kainan, magbigay ng alternatibong pagkakakitaan ng pera at sumagot sa kasapatan ng pagkain sa komunidad. Ilulunsad ng butihing Punongbayan Nerivi Santos Martinez para sa ikabubuti at ikauunlad ng mamayan at ng bayan.  
Nakatakda pong isagawa ang KASALANG BAYAN 2014 sa ika-30 ng Hulyo, 2014, Huwebes, 8:00 ng umaga sa Talavera Municipal Gym. Inaanyayahan po ang lahat na hindi pa naikakasal na magpatala sa Tanggapan ng Local Civil Registrar.
Jul-2014 KASALANG BAYAN 2014

Jul-2014 COMELEC Satellite RegistrationsPARA SA KAALAMAN NG LAHAT…

Ang COMELEC-Talavera ay nagsasagawa ng mobile registration o satellite registration sa mga barangay para sa mga botanteng kulang o walang biometric data, kasama dito ang litrato, finger print at pirma, at mga bagong botante na magpaparehistro pa lang sa unang pagkakataon.

Napag-alaman na ang mga botanteng walang biometric data ay hindi makakaboto sa susunod na eleksiyon.

SCHEDULE NG SATELLITE REGISTRATION:

JULY 13-14 Brgy BAKAL II

JULY 15 Brgy BUGTONG NA BULI

JULY 20 Brgy SAMPALOC

JULY 25 Brgy CAANINAPLAHAN

JULY 28 Brgy GULOD

Inaasahan po ang pakiki-isa ng lahat.

Salamat po.

Logo