Skip to main content

123rd Civil Service Month Anniversary

Ang tanggapan ng HRMO katuwang ang mga kawani sa iba’t ibang departamento ng ating Lokal na Pamahalaan ang nanguna sa ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong araw ng Lunes, September 04, 2023 kasabay ng pagbubukas ng ika-123 na pagdiriwang ng tanunang Anibersaryo ng Serbisyo Sibil.
Kasabay din nito, bilang bahagi ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary, binigyan ng parangal, papuri, at pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez at ng Human Resource Management Office (HRMO) sa pamumuno ni Ma’am Chona V. Salazar ang ating mga kawani at opisyal na nagretiro at magreretiro ngayong taon.
Dinaluhan ang ginanap na programa nina Mayor JR Santos, Vice Mayor Nerivi S. Martinez, Konsehal Aries Lim, Konsehal Rai-Rai Villanueva, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Lito Silva, Konsehal Ape Reyes, Konsehal Erwin Chioco, SK Federation Pres. Ericka Arenas-Mendoza, ABC Pres. Roniel Serrano, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Ang buong pamahalan ay taos pusong nagpupugay sa inyong naging paglingap at malasakit sa Bayan, mga Lingkod Bayani.
Salamat, mabuhay!
#123rdCivilServiceAnniversary #PCSA2023 #DYNAMICCIVILSERVICE
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality