Skip to main content

123rd Philippine Civil Service Anniversary Tree Planting

Bilang bahagi ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary. sama samang nagtanim ng mga puno sa kahabaan ng PRDP Farm-to-Market Road (Poblacion Sur – Mamandil) sina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez kasama sina Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Rafael Ape Reyes at Konsehal Erwin Chioco, mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO), PNP, BJMP, BFP, at iba pang National Agencies.
Ang pagkakaisang ito ay nagpapahayag ng lingap at malasakit ng taong-bayan sa ating kalikasan. Ito rin ay patunay ng magagandang hakbang ng pamahalaan at ng bawat komunidad upang mapangalagaan ang ating daigdig at maisulong ang importansya ng pagtatanim ng puno sa kapaligiran.
#MayorJRSantos
#SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality