Skip to main content

2021 Gawad Parangal sa Nutrisyon

Humakot ng parangal ang Bayan ng Talavera ngayong araw sa nagdaang 2021 Gawad Parangal sa Nutrisyon ng National Nutrition Council (NNC) Region 3 na ginanap sa Lubao, Pampanga.
Kabilang sa pagkilalang tinanggap ng bayan ang 2nd Year Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Award dahil sa maganda, angkop, at natatanging pagganap ng pamahalaan upang mapabuti ang kalusugan ng bawat isa at tuloy-tuloy na pag implementa ng mga programang pang nutrisyon.
Kinilala rin ang Talavera bilang Top LGU with Ordinance Featured in the Compendium of Local Nutrition Ordinance at Most Visible LGU in Social Media.
Samantala, pinarangalan ng NNC Region 3 ang ating Barangay Nutrition Scholar (BNS) na si Ms. Marife Isip ng Brgy. Sampaloc bilang Provincial Outstanding BNS at Regional Outstanding BNS.
Bilang kinatawan ni Mayor Nerivi, personal na tinanggap ni LNB Pres. Jr Santos ang mga parangal kasama si MNAO Arjhay Bernardo.
Congratulations, Talavera!

« of 3 »
Official Website Talavera Municipality