
2022 Gitnang Luzon Gawad Parangal sa Nutrisyon
Humakot ng parangal ang Bayan ng Talavera ngayong araw sa ginanap na 2022 Gitnang Luzon Gawad Parangal sa Nutrisyon ng National Nutrition Council (NNC) Region 3 sa Good Shepherd’s Hall, Ephatha Development Center, San Fernando, Pampanga.
Kabilang sa pagkilalang tinanggap ng bayan ay ang isa sa pinaka mataas na award sa kasalukuyan, ang National Nutrition Honor Award dahil sa nagdaang dalawang taong na nakakuha ng CROWN Maintenance Award ang ating bayan at nakakuha ng 95% minimum score. Itinanghal na isa sa dalawang napili sa Central Luzon ang Bayan ng Talavera.
Kinilala rin ang ating bayan bilang 2021 Most Visible LGU in Social Media ang bayan ng Talavera.
Binigyan din ng pagkilala ang ating MNAO na si Mr. Arjhay Bernardo bilang 1st Runner-Up 2021 Regional Outstanding Nutrition Action Officer.
Samantala, pinarangalan ng 2021 Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar si Ms. Rialyn R. Kebasen ng Brgy. Valle, at pinarangalan din siya bilang Contender ng Search for the 2021 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar.
Bilang kinatawan ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez, personal na tinanggap ni Konsehal Joel Del Rosario ang mga parangal kasama sina MNAO Arjhay Bernardo, Municipal Health Officer Dr. Yolanda C. Lucas at mga kawani mula sa Municipal Nutrition Office.
Congratulations, Talavera!