2022 National Nutrition Awarding Ceremony

Tinanggap ng Bayan ng Talavera ang Nutrition Honor Award (NHA) mula sa National Nutrition Council. Ito ang pinakamataas na parangal na maaaring igawad ng NNC sa isang Bayan. Personal itong tinanggap nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez kasama sina MNAO Officer Arjhay Bernardo, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Rafael Reyes, Konsehal Nel Rayo, Municipal Health Officer Dra. Yolanda C. Lucas, Municipal Agriculturist Flordeliza Cuison, Chairman of Regional Nutrition Committee Ms. Corazon I. Flores , Chairman of Regional Nutrition Evaluation Team Ms. Margarita Natividad, at NNC RO3 Regional Nutrition Program Coordinator Ms. Anna Maria B. Rosaldo.
Sa loob ng maraming taon, pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang determinasyon at kagustuhan nitong mapalakas ang mga programang pang nutrisyon sa bayan at masiguro ang pagpapatuloy ng mga programang ito sa susunod pang mga taon. Kasama ang Municipal Nutrition Council ng Talavera sa pagtiyak na ang mga ipinatutupad na programa para sa nutrisyon ay magbubunga ng maayos at malusog na bayan.
Mabuhay ang Bayan ng Talavera!
« of 2 »

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality