
2022 SGLG National Validation | September 20, 2023
Sumailalim sa National Validation ang Pamahalaang Bayan ng Talavera para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ng DILG. Ito ay isang progresibong sistema ng pagtatasa sa mga lokal na pamahalaan na nagbibigay pagkilala sa katapatan at kahusayan ng mga lokalidad. Nagsilbing validator sina Asst. Regional Director Jhoaden G. Lucero, CESO V, Asst. Division Chief Amaline R. Colina, LGOO V Leovilyn H. Aduna, LGOO II Maria Desserie P. Bundoc mula sa DILG. Kasama din nakiisa sa ginanap na validation sina Mayor JR Santos, DILG PD Atty. Ofelio Tactac Jr., LGOO VI Rossella Edillor, Sangguniang Bayan Members at Municipal Admin. Nerito L. Santos.
Simbolo ng pagiging bukas sa bayan at mabuting pamamahala, ang pagkilala ay ang pinakamahalaga at pinakamataas na award na ibinibigay ng DILG sa lahat ng LGU na nakabatay sa Republic Act No. 11292 o SGLG Act of 2019.