27 Reformists, Nagtapos sa Bahay Bagong Buhay

Dalawampu’t pitong (27) reformists ang nagtapos sa Bahay Bagong Buhay Graduation Day nitong ika-25 ng Abril, taong kasalukuyan. Ang pagsasanay ng ikalimang pangkat ng reformists ay nagsimula noong ika-16 ng Abril, 2018 na ginanap sa Bahay Bagong Buhay Reformation Center.

Sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos Martinez kasama ang Talavera Police Station, mga pribadong sektor at religious sectors, matagumpay na naisagawa ang iba’t ibang aktibidad para sa mga reformist kabilang ang spiritual, physical at psychosocial na mga gawain sa loob ng sampung (10) araw.

Naglaan din ang lokal na pamahalaan ng aftercare program upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagbuti ng kalagayan ng mga reformist. Kabilang dito ang pagbibigay ng livelihood programs sa pangunguna ng Municipal Cooperative and Entrepreneurship Development Office (MCEDO) at Municipal Agriculture Office (MAO), employment opportunities mula sa Public Employment Service Office (PESO) at ang patuloy na pagkonsulta sa kanilang kalagayan sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development (MSWDO), Municipal Health Office (MHO) at religious sectors.

Adbokasiya ni Mayor Nerivi ang tuluyang pagsugpo sa ilegal na droga sa Bayan ng Talavera at ang tuluyang pagpapabuti ng buhay ng mga drug reformist. Kaya ang programang ito ay isang malaking oportunidad upang tuluyang mabago ang kanilang buhay at muli silang manumbalik sa kanilang pamilya at komunidad.

Mula kay Mayor Nerivi ang isang taos-pusong pagbati para sa lahat ng reformists na nagtapos. Dala ang mithiing sila ay magkaroon ng isang magandang kinabukasan, nawa ay ang bawat isa ay maging isang mabuting ehemplo at mamamayan ng Bayan ng Talavera. Sila ang patunay na ang pag-asa at pagbabago ay posible para sa isang taong minsan nang nalulong sa masamang bisyo.

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality