Agri Trade Fair 2018
Tampok ang mga lokal na produkto sa Bayan ng Talavera sa dalawang araw na Agri Trade Fair 2018 mula noong ika-9 hanggang 10 ng Mayo, 2018 na ginanap sa Himnasyo ng Bayan. Kabilang dito ang mga produktong pang agrikultura mula sa mga
magsasaka.
Ang programa ay pormal na binuksan sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos Martinez, Vice Mayor Anselmo Rodiel III, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, San Isidro Labrador Parish Priest Rev. Fr. Aldrin Domingo at Fr. Dean Jerome Cruz. Dumalo sa programa sina PCC Executive Director Dr. Arnel del Barrio, DTI Provincial Director Brigida Pili, Dr. Eva Fernando ng Department of Agriculture (DA) at Board Member Belinda “Baby” Palilio.
Layunin ng Agri Trade Fair ang magbigay ng oportunidad sa mga magsasaka at MSMEs o Micro, Small and Medium Enterprises sa bayan upang mapalago ang kanilang mga produkto at hanapbuhay. Sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO), may kabuuang labing tatlong (13) booths ang nakiisa sa nasabing programa.
Hinikayat ni Mayor Nerivi na tangkilikin ang mga produktong mula sa Bayan ng Talavera lalo’t nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga kababayan upang makilala at mas mapaunlad ang kanilang mga produkto.
Ginanap din sa Agri Trade Fair 2018 ang “Pinaka Contest” kung saan tinanghal na panalo ang may pinakamalaki at pinakamahabang gulay, prutas at hayop.
MALR