Amang Pablo Mushroom Grower


Dahil sa tumataas na demand at nakikitang potensyal ng mushroom, bumisita si Mayor Nerivi Santos Martinez kasama ang Municipal Agriculture Office sa Brgy. Pinagpanaan para makita ang proseso at produksyon ng straw mushroom sa tulong nina Kuya Amang at Ate Isabel Pablo na nagsimulang magkabute noon pang 1974.
Sinubukan din ni Mayor Nerivi ang pagtatanim nito at ipinakita doon kung paano mapapadami ang produksyon ng straw mushroom. Katulad ng oyster mushroom na karaniwang mabibili, mataas din ang protein ng straw mushroom na magandang pagkukuhanan ng nutrisyon lalo na sa panahon ngayon na kailangan ng bawat isa ng masustansyang pagkain.
Bilang Gulayan Capital ng Nueva Ecija ang Talavera, patuloy na hinihikayat ng pamahalaang bayan ang lahat na magtanim sa bakuran at barangay ng iba’t ibang klase ng gulay na makakatulong hindi lang sa kalusugan at nutrisyon ng ating mga kababayan maging bilang pagkukuhanan din ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya.
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#AmangPabloMushroomGrower

« of 2 »

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality