Ang Bayan po ng Talavera ay Nananatiling COVID-19 FREE

TASK FORCE COVID-19 UPDATE AS OF MARCH 18, 2020 9:00AM.

Ang Bayan po ng Talavera ay nananatiling COVID-19 FREE. Huwag pong maniniwala sa mga fake news na kumakalat.

1. Ang Persons Under Monitoring (PUM) ay ang mga kailangan mag MANDATORY 14-day Home Quarantine. Sila po yung mga umuwi sa ating bayan mula sa Manila, ibang bansa at ibang probinsya na iniikutan ng ating mga Barangay Health Emergency Response Team sa ating mga Barangay. Agad pong ipagbigay alam kung mayroon po kayong kamag-anak o kakilala na galing sa ibang lugar upang mamonitor po agad ang kanilang kalagayan.

2. Ang Patients Under Investigation (PUI) ay mga taong may sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, hirap sa pag hinga, pananakit ng lalamunan o pagka hapo ng katawan. Sila ay pwedeng may history of travel sa ibang bansa o Maynila ngunit pwede rin namang wala. Maaaring sila ay naki salamuha o na-expose lamang sa mga taong positibo sa COVID-19 nang hindi nila alam kaya sila ay nahawa kahit pa hindi naman sila umaalis sa kanilang mga lugar. Sila po ang mga dapat dalhin sa PJG-Cabanatuan nang may kaukulang koordinasyon sa ating Municipal Health Office para ibayo pang masuri at mabigyan ng karampatang lunas.

3. PUMs NEGATIVE BEYOND 14-DAY QUARANTINE PERIOD ay ang mga taong nag negatibo sa COVID-19 pagkatapos ng 14-day Quarantine Period.

Para po sa kaligtasan ng buong bayan at ng ating pamilya, atin pong sundin ang mga mandato ng pamahalaan. BE INFORMED, STAY INDOORS, & PRACTICE SOCIAL DISTANCING. Hindi po kailangan mag panic.

Ang inyong kooperasyon at pakikiisa ay malaking tulong para maprotektahan natin ang ating bayan laban sa COVID-19. Maraming salamat po.

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!