Anunsyo Moderna 1st Dose Schedule for Pediatric Population (ROPP)

Narito po ang schedule ng Moderna Vaccination sa December 14, 2021 (Tuesday) para sa Pediatric Population (ROPP) na may edad 12-17.

Ito po ay gaganapin sa Mayor’s Hall.

Ang lahat lamang po ng pinahihintulutan ay dapat may saktong edad na 12 sa araw ng pagpapabakuna at hindi lalagpas na edad 17 sa araw ng pagpapabakuna.

Siguraduhin din pong dala at kumpleto ang mga requirements gaya ng mga sumusunod:

1. Birth Certificate ng batang papabakunahan
2. Valid ID ng kasamang magulang/guardian
3. Kung ang kasama ay hindi magulang, dapat may dala pong Notarized Authorization Letter ang guardian mula sa magulang o Special Power of Attorney (SPA) o Pagpapatunay sa Barangay na kayo ang Legal Guardian ng batang babakunahan.
4. Sariling Ballpen

*PAALALA: MAG-PROVIDE PO KAYO NG XEROX COPY NG MGA NABANGGIT NA REQUIREMENTS.

Pinakamainam po na makipag-ugnayan muna sa mga kawani ng inyong barangay upang mas maging tiyak ang inyong slot.

Salamat po sa inyong kooperasyon at mag-ingat po tayong lahat.

#ResbakunaTalavera
#NSM #SerbisyongNERIVI

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality