
Anunsyo: Pfizer 1st Dose Schedule for Pediatric Population
Narito po ang schedule ng Vaccination bukas, December 9, 2021 para sa Pediatric Population (ROPP) na may edad 12-17.
Ito po ay gaganapin sa Mayor’s Hall.
Ang lahat lamang po ng pinahihintulutan ay dapat may saktong edad na 12 sa araw ng pagpapabakuna at hindi lalagpas na edad 17 sa araw ng pagpapabakuna.
Siguraduhin din pong dala at kumpleto ang mga requirements gaya ng mga sumusunod:
1. Birth Certificate ng batang papabakunahan
2. Valid ID ng kasamang magulang/guardian
3. Kung ang kasama ay hindi magulang, dapat may dala pong Notarized Authorization Letter ang guardian mula sa magulang o Special Power of Attorney (SPA) o Pagpapatunay sa Barangay na kayo ang Legal Guardian ng batang babakunahan.
4. Sariling Ballpen
*PAALALA: MAG-PROVIDE PO KAYO NG XEROX COPY NG MGA NABANGGIT NA REQUIREMENTS.
Pinakamainam po na makipag-ugnayan muna sa mga kawani ng inyong barangay upang mas maging tiyak ang inyong slot.
Kung sakaling kayo po ay pupunta bilang walk-in, unang 60 na walk-in lamang po ang aming tatanggapin at ang pagpila po ng mga walk-in ay mag uumpisa ng 3pm. Sumunod po tayo sa mga itinakdang oras upang maging maayos po ang ating pagpapabakuna.
Salamat po sa inyong kooperasyon at mag-ingat po tayong lahat.
#ResbakunaTalavera
#NSM #SerbisyongNERIVI