ARBOR DAY 2022


Bilang pagdiriwang ng Philippine Arbor Day, sama samang nagtanim ng 100 na mga puno sa kahabaan ng PRDP Farm-to-Market Road (Poblacion Sur – Mamandil) sina Mayor Nerivi S. Martinez at LNB President JR Santos kasama sina Konsehal Joel Del Rosario at LNB Vice Pres. Erwin Chioco, mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO), PNP, BJMP, at DEPED.
Ang pagkakaisang ito ay nagpapahayag ng lingap at malasakit ng taong-bayan sa ating kalikasan. Ito rin ay patunay ng magagandang hakbang ng pamahalaan at ng bawat komunidad upang mapangalagaan ang ating daigdig at maisulong ang importansya ng pagtatanim ng puno sa kapaligiran.

« of 3 »

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality