Skip to main content

Art Painting Contest Buwan ng Pambansang Sining

Ngayong ika-11 ng Linggo, Pebrero 2024, naging matagumpay at makulay ang isinagawang Art Painting Contest sa pangunguna ng Municipal Tourism Office bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Sining na may temang “Ani ng Sining, Bayang Malikhain” na ginanap sa Talavera Municipal Gym. Nilahukan ito ng sampung (10) mga magagaling at magigiting na artist mula sa iba’t ibang Barangay ng Bayan ng Talavera.
Dinaluhan ito nina Konsehal Rai Villanueva at Konsehal Joel Del Rosario bilang kinatawan nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez, kasama ang mga dumalong hurado na sina Sir Elito “Amang Pintor” Circa, Sir Gromyko Semper Padilla, at Ma’am Aida Caliwag.
Kasabay nito ay binigyang parangal ang mga nagwagi sa Art Painting Contest:
Unang Gantimpala: Yannie B. Talampas
Ikalawang Gantimpala: Eunice Pamela C. Dela Cruz
Ikatlong Gantimpala: Donjon V. Jimenez
Congratulations po at Mabuhay po! ❤️
#BuwanngPambansangSining
#SerbisyongDiretsoSaTao
#NagbibigayngSerbisyoatMalasakit
#JRVi

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality