Skip to main content

Awarding Ceremony FY 2023 Best GSB Implementer Cum HVCAA

Dahil sa mahusay at maayos na pagpapatupad ng 2023 Gulayan sa Barangay Program ng High Value Crops Development Program, tumanggap ng isang Plaque of Appreciation ang ating Lokal na Pamahalaan at pinarangalan naman bilang 2nd Place ang ating Municipal Agriculture Office at Barangay Paludpod para sa Best Gulayan sa Barangay Implementer ng High Value Crops Development Program (HVCDP) sa ilalim ng Provincial Level Category sa ginanap na Awarding Ceremony ng FY 2023 Provincial and Regional Best Gulayan sa Barangay Program (GSB) Implementer ng High Value Crops Achievers’ Award (HVCAA).
Dumalo bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera sa pamumuno nina Mayor Jr Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez sina Konsehal Ape Reyes, Municipal Agriculturist Flordeliza Cuizon at Kapitan Arthur San Pedro ng Barangay Paludpod. Kasama din na dumalo sa ginanap na awarding ceremony si Ginoong Atong Palilio.
Congratulations po!
#SerbisyongDiretsoSaTao #MayorJRSantos
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality