Skip to main content

Awarding of Garden Tool Kits

Sa tulong ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI), tumanggap ng garden tool kits ang 15 nating mga kababayan mula sa Brgy. Basang Hamog.
Layunin nitong hikayatin ang ating mga kabarangay na magtanim lalo na ng mga gulay sa kanilang mga bakuran upang magkaroon ng tuloy-tuloy na pagkukunan ng masustansyang pagkain sa hapag. Malaking suporta ito sa Gulayan Program ng Pamahalaang Bayan na isinusulong ni Mayor Nerivi Santos Martinez mula pa noong 2013.
Nakiisa sa pamamahagi ng garden tool kits sina Mayor Nerivi S. Martinez, LnB Pres. JR Santos, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Baby Palilio, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Lito Silva, Konsehal Joel Del Rosario, SK Pres. Ericka Arenas Mendoza, LnB Vice Pres. Kapitan Erwin Chioco at Samakaba Pres. Konsehal Rafael “Ape” Reyes.
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#LingapJRSANTOS
#DA-ATI

Official Website Talavera Municipality