Skip to main content

Awarding of RCEF Machineries

Sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng Department of Agriculture (DA), personal na inihandog ni Mayor JR Santos ang mga traktorang mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) para sa ilang asosasyon sa ating bayan. Kabilang dito ang Tagabasa Irrigators Association, Inc. at Collado Irrigators Association, Inc.
Bahagi ito ng suporta sa ating mga magsasaka upang matulungan silang mapataas ang produksyon ng palay maging ang kanilang kita sa pamamagitan ng modernong kagamitan.
Layon din nitong mas mapalakas ang sektor ng agrikultura na naapektuhan ng pandemya.
Maraming salamat po!
Pebrero 20, 2023
Official Website Talavera Municipality