Awarding of Solar Night Light Toolkit


Sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), nabigyan ng Solar Night Light Toolkits ang 52 nating mga kababayan mula sa Barangay Bacal 2 at Sicsican Matanda.
Ito ay matapos nilang sumailalim sa Solar Nightlight training program ng TESDA katuwang ang Floriana Bao Sadian Technical Vocational Foundation, Inc. Ang toolkits na kanilang magagamit sa pagkabit ng mga Solar Nightlight ay malaking tulong para sa patuloy nilang pagsasanay at bahagi ng paghasa ng kanilang kasanayan.
Dumalo sa programa si Mayor Nerivi Santos-Martinez kasama sina TESDA Nueva Ecija Representative Love Bernnie Reguyal, Floriana Bao Sadian Tech/Voc Sch. Inc. School Administrator Louie Baysa, LnB President JR Santos, SK President Ericka Mendoza, SAMAKABA Pres. Kon. Rafael “Ape” Reyes, at PESO Manager Jose Emana.
Maraming salamat po!
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#LingapJRSANTOS
#TESDA

« of 2 »

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality