Bagong Buhay, Bagong Pag-asa

                       Lubos na kasiyahan ang nadama ni Mayor Nerivi Santos Martinez sa pagtatapos ng unang pangkat ng reformists sa kanilang sampung (10) araw ng pagsasanay sa Bahay Bagong Buhay Reformation Center. Ito ay ginanap sa Mayor’s Hall noong ika-23 ng Marso, 2017 sa pakikipag-koordinasyon ng Talavera Police Station.

                       Ayon kay Mayor Nerivi, ang unang pangkat ng reformist ay handa nang manumbalik bilang bagong mamamayan ng Talavera. Binati niya ang dalawampu’t anim (26) na reformists sa kanilang matagumpay na pagtatapos. Sa pagkakataong ito, si Mayor Nerivi ay nagtitiwala na sila ay magiging isang kapakipakinabang na mamamayan.

                       Sa pag-uumpisa ng mga reformist ng panibagong buhay, malaking tulong ang ginawa nilang hakbang tungo sa pagbabago. Sa maliit na pag-uumpisang ito, malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang laban ng pamahalaan kontra droga. Katulad ng mensahe ng pamahalaan sa unang araw ng pagsasanay ng mga reformist, ang pamahalaan at mga ahensyang nagtutulong tulong para sa programang ito ay handa lamang mag-abot ng kamay upang makatulong sa mga reformist at sa kanilang sarili nakasalalay ang tagumpay ng programa.

                      Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang reformists na magbigay ng buhay patotoo tungkol sa mga naging karanasan nila bago ang pagsasanay at habang sila ay nasa Bahay Bagong Buhay. Sa kanilang mga pahayag, lubos ang pasasalamat nila kay Mayor Nerivi at sa mga bumubuo ng programa dahil nagbago at naging maayos ang kanilang buhay.

                     Sa pamamagitan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaang bayan, simbahan, at kapulisan, naging matagumpay ang pagtatapos ng unang pangkat ng reformist na nanatili sa Bahay Bagong Buhay at inaasahang magpapatuloy ang tagumpay nito.

              Ang mga reformist na sumailalim sa pagsasanay ay inaasahang makatutulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng tuluyan nilang pagtalikod sa bisyo at pagiging ehemplo sa mga susunod pang pangkat. Sa pamamagitan ng suporta, paglingap at pagtutulungan ng bawat isa tungo sa pagbabago, inaasahang magiging isang kapakipakinabang na mamamayan ang mga sumailalim sa pagsasanay.

(MALR)

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!