
Bagong LnB Officers
Ang mga bagong halal na punong barangay ng limampu’t tatlong (53) barangay ng Talavera ay nagtipon-tipon noong Hulyo 16, 2018 upang magtalaga ng mga bagong opisyal ng Liga ng mga Barangay (LnB).
Naging maayos at mapayapa ang eleksyon na isinagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Talavera sa pangunguna ni DILG Officer Jovi Marquez, Board of Canvassers na responsable sa pagbilang ng mga boto at Election Committee na namahala sa proseso ng eleksyon at siyang nagproklama ng mga nanalo. Kasama naman sa Board of Election Supervisors ang DILG Officer, opisyal mula sa Commission on Elections (COMELEC), lider mula sa parokya, kinatawan ng Department of Education (DepEd) at kinatawan ng Non -governmental Organizations (NGOs).
Nahalal bilang Presidente si Brgy. Capt. Nerito Santos, Jr. (Brgy. Sampaloc), Vice President naman si Brgy. Capt. Erwin Chioco (Brgy. La Torre), Auditor si Brgy. Capt. Gertrudes Alejandro (Brgy. Poblacion Sur) at itinalaga bilang Board of Directors sina Brgy. Capt. Jessie Balajonda (Brgy. Gulod), Brgy. Capt. Dindo Lopez (Brgy. San Pascual), Brgy. Capt. Ram Joseph Manuzon (Brgy. Pag-asa), Brgy. Capt. Rodelio Perez (Brgy. Bacal II), Brgy. Capt. Eliseo Punzal (Brgy. Bugtong na Buli), Brgy. Capt. Roniel Serrano (Brgy. Tabacao), Brgy. Capt. Florante Umali (Brgy. San Miguel na Munti) at Brgy. Capt. Michael Velazquez (Brgy. Homestead II)
Matapos ang pagproklama sa mga nanalong opisyal, agad silang nanumpa sa kanilang katungkulan na pinangunahan ni Mayor Nerivi Santos Martiez. Mainit ang pagtanggap ni Mayor Nerivi sa mga bagong opisyal ng LnB na siyang salamin ng mga lider na mangunguna sa kaunlaran at progreso ng bayan. Ang mga nahalal na opisyal ay may malaking responsibilidad na pangunahan ang kanilang samahan at inaasahang manguna sa pagpapanatili ng isang malinis na rekord bilang mga punong barangay.
Sumailalim din ang lahat ng punong barangay sa isang sorpresang drug test na isinagawa ng Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory katulong ang Talavera Police Station sa pangunguna ni PSupt. Joe Neil Rojo. Layunin ng nasabing pagsusuri na mas itaas ang kamalayan ng bawat isa sa mahigpit na kampanya ng bayan kontra sa ilegal na droga, magkaroon ng payapang komunidad at tuluyang maging drug cleared ang bayan ng Talavera.
Mula kay Mayor Nerivi ang isang taos pusong pagbati sa lahat ng bagong Liga ng mga Barangay officers!
MALR