
Bakunanay at PapaVaccine, bakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas
Bakunanay at PapaVaccine, Siguraduhin po nating ligtas ang ating mga chikiting sa tulong ng mga bakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas!
Magkakaroon po ng Chikiting Ligtas Campaign ngayong darating na May 1-31, 2023. Protektahan po natin ang mga Chikiting edad 0-59 months old kontra polio at ang mga batang 9-59 months old naman po kontra rubella at tigdas. Pabakunahan po natin sila!
Atin pong suportahan ang programang ito ng Department of Health na naglalayong mas paigtingin ang kampanya kontra polio, rubella at tigdas. Huwag po sana nating kalimutan na ang kalusugan ng ating mga chikiting ay nakasalalay hindi lamang sa ating pag-aalaga, pag-aaruga at pagkalinga, kundi higit po itong mas magiging matatag at matibay sa tulong ng dagdag bakuna kontra polio, rubella at tigdas.
Kaya sa darating na may 1-31, 2023 ay huwag na po tayong mag alinlangang dalhin ang ating mga chikiting para sa karagdagang proteksyong pangkalusugan kontra polio, rubella at tigdas, magkitakita po tayo sa mga araw na ito at sama sama po nating itaguyod ang Chikiting Ligtas Kontra Polio, Rubella at Tigdas.
Magpabakuna, maging ligtas para sa #HealthyPilipinas!
Walang batang kailangan ma-ospital o mamatay para sa sakit na kaya namang iwasan. Para sa iba pang mga impormasyon at katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming Municipal Health Office. Maraming salamat po.
#ChikitingLigtas2023 #GetVaccinated
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi