
BAMC Onion Cold Storage Facility Ground Breaking Ceremony
Isang bagong Onion Cold Storage Facility ang nakatakdang itindig sa Barangay Bantug, sa Bayan ng Talavera. Ang facility na ito ay proyektong pinondohan ng Philippine Rural Development Project (PRDP)sa ilalim ng programang Investments in Rural and Agriculture and Fisheries Productivity (I-REAP) katuwang ang BAMC at Pamahalaang Bayan ng Talavera. Ito ay pakikinabangan ng ating mga kababayang magsisibuyas.
Ngayong araw, March 22, 2023 ay pinasinayaan nina Mayor Nerito Santos Jr. at Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez kasama sina Rev. Fr. Edwin Dizon, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Ape Reyes, Konsehal Erwin Chioco at PRDP Project Director, Dr. Arthur Dayrit ang ginanap na Ground Breaking Ceremony.
Kasama rin na dumalo sa Programa sina PRDP Action Officer Maricel Dullas, PRDP Information Ace Ozanne Allas, LandBank Head NE Lending Eduardo Reyes, Municipal Agriculturist Officer Flordeliza Cuizon, Barangay Captain Bantug Liwayway Baldedara, Rural Infra Engineer Engr. Rommel Tiangco, Bus. Devt. Officer Glory Ann Herrera, SES Officer Jes Surla, Bus. Devt. Officer Lester Soliman at PDA Danilo Ramos.
Inaasahan na marami sa mga magsasaka ng sibuyas sa ating bayan ang matutulungan ng itatayong Cold Storage Facility bilang parte ng tuloy-tuloy na pagbibigay ng Serbisyong Diretso sa Tao at programang pang agrikultura nina Mayor JR Santos at VM Nerivi Martinez para sa Bayan ng Talavera at minamahal nating Talaveraños.
#GroundBreaking #OnionColdStorageFacility
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi