
Barangay Skills Enhancement Seminar
Sumailalim sa tatlong araw na Skills Enhancement Seminar ang lahat ng punong barangay ng Talavera kasama ang kanilang Chairpersons sa pangunguna ni Liga ng Barangay President JR. Santos. Sa unang araw ng seminar ay nanumpa ang mga bagong talagang opisyal ng Liga ng Barangay Kagawad kasama ang kanilang pangulo na si Kon. Rafael Reyes ng Barangay Matias. Ang induction og Officers ay pinangunahan ni Mayor Nerivi S. Martinez kasama sina Vice Mayor Jun Jun Rodiel at Sangguniang Bayan members.