Skip to main content

Barangayan 2024 (Brgy. Maestrang Kikay)

Ngayong araw ng Martes, ika-18 ng hunyo 2024 ay matagumpay na isinagawa ang Barangayan 2024 sa Barangay Maestrang Kikay.
Dumalo at nakiisa sa programa sina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez kasama sina Konsehal Rai Rai Villanueva, LnB Vice Pres. Kapt. Virgilio Tayao at Tabacao SK Chairman Alliah S. Garingo.
Layunin ng programang ito na ang mga pangunahing serbisyo ng Pamahalaang Lokal ay maibaba sa ating mga mamamayan upang mas mapadali at mas mapaginhawa ang paghahatid ng mga “Serbisyong may Malasakit na Diretso sa Tao Program” nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez para sa mas masaya, mas ligtas at mas maunlad na Bayan ng Talavera.
“Malayo na po ang ating narating, Ituloy-tuloy natin!” – Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez
#Barangayan2024
#MayorJRSantos #ViceMayorNeriviSantosMartinez
#SERBISYONGmayMALASAKITnaDIRETSOsaTAO
#TatakJRVi #LingapAtMalasakit

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality