Skip to main content

Bb. Talavera 2023 – Requirements

Sa darating na ika-9 hanggang ika-15 ng Mayo ay gaganapin ang taunang pagdiriwang ng Lingo ng Magsasaka sa Bayan ng Talavera bilang pagpupugay sa Kapistahan ni San Isidro Labrador, Patron ng mga Magsasaka. Bilang bahagi ng kapistahan ay muling itatanghal ang patimpalak para sa Bb. Talavera 2023 na magaganap sa ika-12 ng Mayo.
Dahil dito ay inaanyayahan ang mga kababaihang naninirahan sa Talavera na may edad 17 hanggang 24 na lumahok at magkaroon ng pagkakataong sumali at hirangin bilang Bb. Talavera 2023. 👑
Sa mga interesado kayo po ay inaanyayahan namin na dumalo sa gaganaping Official Sashing of Candidates sa Ika-1 ng Abril 2023 1:00pm sa Mayors Hall.
Mga kailangan dalhin:
✅ Birth Certificate
✅ Certificate of Residency
Magsuot ng mga sumusunod:
✔️ Puting pantaas
✔️ Maong na pantalon
✔️ High heels
✔️ with Make up
⚠️ Paalala: 1 handler lamang ang papayagang kasama ng kandidata
Official Website Talavera Municipality