Skip to main content

BHW at BNS, Sumailalim sa Seminar

Sa pangunguna ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera, kasama ang Civil Service Commission (CSC), sumailalim ang tatlongdaan at labing tatlong (313) Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa iba’t ibang barangay ng Talavera sa dalawang araw na seminar. Ito ay tungkol sa Values and Ethics of Public Servant of BHW and BNS na ginanap sa Mayor’s Hall, Talavera, Nueva Ecija nitong ika-21 at 22 ng Setyembre, taong kasalukuyan. Ang seminar ay parte ng pagdiriwang ng ika117 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Tinalakay ni HRMO head, Chona V. Salazar ang iba’t ibang presentasyon tungkol sa pagpapahalaga at moral ng isang lingkod bayani na may layuning makapagpalawak ng kaalaman ng mga BHWs at BNS. Kasama rito ang mga aktibidad na tutukoy kung paano sila makikitungo sa isang partikular na sitwasyon. Ito rin ay makatutulong sa kanila upang makapaghatid ng tama, tapat at maayos na serbisyo sa bawat barangay.

Ayon kay Gng. Salazar, isang pagsubok sa bawat kawani ng gobyerno kung paano pakisamahan ng tama ang bawat kliyente. Ngunit sa pamamagitan ng seminar na handog ng CSC at Lokal na Pamahalaan ng Talavera, maihahanda ang bawat kawani sa tamang paraan kung paano sila harapin ng maayos. Ang lahat ng ito ay magiging madali sa tulong ng pamahalaan at sa mga seminar na handog para sa mga BHWs at BNS.

Binibigyang pugay ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera ang lahat ng BHW at BNS dahil sa kanilang maayos na pagganap sa mga tungkulin sa barangay. Isa mang mabigat na obligasyon ang paglilingkod sa bawat mamamayan, makikita sa bawat BHW at BNS ang pagmamahal sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagtatrabaho nila ng maayos at mabuti.

(MALR)

Official Website Talavera Municipality