Binigyang pagkilala ng Philippine Carabao Center (PCC)ang Pamahalaang Bayan ng Talavera at si Mayor Nerivi Santos-Martinez sa suporta ng bayan sa industriya ng paggagatas o dairy industry sa Talavera


Binigyang pagkilala ng Philippine Carabao Center (PCC) sa pangunguna nina PCC OIC Executive Director Ronnie Domingo, PDO IV Ericson Dela Cruz, at Executive Assistant Paulyn Grace Saturno ang Pamahalaang Bayan ng Talavera at si Mayor Nerivi Santos-Martinez sa suporta ng bayan sa industriya ng paggagatas o dairy industry sa Talavera.
Bahagi ng hakbang ng pamahalaang bayan ang paglalatag ng Municipal Ordinance No. 50-2020 “Regulating the Sale and Slaughter of Female Carabaos” na nagbibigay daan sa ligtas na produksyon ng mga kalabaw sa Bayan ng Talavera at naghahatid ng mas maayos na lugar para sa kanila.
Kasama sa layunin ni Mayor Nerivi na mas mapalakas ang produksyon ng gatas ng kalabaw upang matulungang maiangat ang antas ng industriyang ito sa bayan at makatulong sa mga dairy farmer at mga kooperatiba ng Talavera.
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#PCC

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality