
Blessing and Ribbon Cutting of Talavera- Sto. Domingo Bridge
Pinasinayaan at pormal nang binuksan sa publiko ngayong araw ang tulay na nagdurugtong sa Brgy. Pag-asa, Talavera at Brgy. San Agustin sa Bayan ng Sto. Domingo. Malaking tulong ang proyekto upang mas mapadali at mas mapagaan ang biyahe ng ating mga kababayan lalo na ang mga magsasaka na nagdadala ng kanilang mga ani sa palengke at mga motorista dahil may tulay na silang madadaanan.
Dinaluhan ni Mayor Nerivi Santos Martinez ang pagpapasinaya kasama sina Cong. Ging Suansing, Ate Mika Suansing, Sto. Domingo Mayor Imee De Guzman, DPWH Assistant Regional Director Denise Maria Ayag, Kap. Ram Manuzon at kapitan Salamanca.
Maraming salamat po, Cong. Suansing sa proyektong nagbibigay ng kaginhawaan sa ating mga kababayan.