Skip to main content

Botika sa Barangay


Ang ipinangakong Botika ng Barangay na maghahandog ng libreng gamot sa ating mga kababayan, narito na! Sinimulan nang ibigay ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang mga libreng gamot sa karagdagang pitong barangay ng Talavera – programang inisyatibo nina Mayor Nerivi Santos Martinez at LNB Pres. JR Santos.
Isa sa pangunahing tinututukan ng pamahalaan ang programang pangkalusugan lalo na ngayong pandemya. Bilang bahagi nito, tinanggap ngayong araw ng mga barangay ang mga libreng gamot para sa ating mga kababayan. Layon ng Botika ng Barangay na mailapit ang serbisyong pangkalusugan lalo na sa malalayong mga barangay para sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay bawat mamamayan.
Kabilang ang mga pangunahing gamot para sa ubo, sipon, lagnat, at vitamins ang maaaring makuha sa Botika ng Barangay.

Official Website Talavera Municipality