BPLO, Muling Humakot ng Parangal
Dumalo si Mayor Nerivi Santos Martinez, kasama ang Business Permit ang
Licensing Office (BPLO) sa pangunguna ni Gng. Rosemarie Reyes, pinuno ng BPLO,
sa idinaos na 11th Recognition of Outstanding Central Luzon LGUs Implementing the
Streamlining Program in the Issuance of Mayor’s Permit. Ito ay ginanap sa Royce Hotel,
Clark Freeport Zone nitong ika-17 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Muli na namang pinatunayan ng BPLO ang kanilang husay at galing sa
pagbibigay ng serbisyo matapos silang makatanggap ng mga Plake ng Pagkilala mula
sa Central Luzon Growth Corridor Foundation, Inc. Kabilang sa anim (6) na plake na ito
ay ang Most Outstanding LGU Implementing the Streamlining Program in the Issuance
of Mayor’s Permit (1st place), 2016 Most Outstanding LGU for IT Innovations (1st place)
at 2016 Best LGU in Customer Relations (1st place) sa ilalim ng Provincial Category.
Para sa Regional Category, natanggap ng BPLO ang 2016 Most Outstanding
LGU Implementing the Streamlining Program in the Issuance of Mayor’s Permit (3
rd
place), 2016 Most Outstanding LGU for IT Innovations (3
rd place) at 2016 Best LGU in
Customer Relations (1st place).
Isa na naman itong tagumpay ng Pamahalaang Lokal ng Talavera kasama ang
BPLO. Ang mga parangal na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa pamahalaan upang
patuloy na magbigay ng mahusay na serbisyo at mas pag-igihin ang paglilingkod sa
mamamayan.
(MALR)