Skip to main content

Centenarian Cash Gift

Tatlong Centenarians na ating mga kababayan sa Barangay Pulong San Miguel, San Miguel na Munti, at Calipahan ang tumanggap ng 100,000 pesos.
Personal na inihandog ni Mayor Nerivi Santos-Martinez ang mga ito sa mga benepisyaryo ng Centenarian Cash Gift na sina Lola Eufemia Manahan Atendido (100) at Lola Pinicasion Marquez Salazar (100) at sa pamilya ni Lola Estefania Ramos Villiones (101) bilang kanyang kinatawan kasama ang kawani ng DSWD na si Project Development Officer I Ethel V. Cabinian at MSWDO Ma. Theresa Florencondia.
Ang pagbibigay ng benepisyong ito ay alinsunod sa RA No. 10868 o ang Centenarian Act of 2016 kung saan ang mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas o sa ibang bansa na umabot sa 100 taong gulang ay tatanggap ng P100,000 cash.
Official Website Talavera Municipality