Congratulations again Talavera! Hall of Fame, Pinakamaringal na Pamilihang Bayan!

            Iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bayan ng Talavera ang Hall of Fame Award sa pangalawang pagkakataon bilang Pinakamaringal na Pamilihang Bayan sa buong lalawigan. Ang parangal ay ginanap kasabay ng Consumer Welfare Month nitong ika-15 ng Oktubre, 2019 sa SM Megacenter, Lungsod ng Cabanatuan. Ito ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng ahensya sa mga lokalidad na patuloy na nagpapatupad ng mga programa para sa ikabubuti ng mga mamimili.

            Naging batayan ng parangal ang pagpapanatili ng isang malinis at maayos na pamilihang bayan kasama na ang pagkakaroon ng timbangan ng bayan, price watch board, consumer welfare desk at pagsunod sa Fair Trade Law para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

Patuloy ang pagpapaganda at pagsasaayos ng pamilihang bayan upang magpatuloy rin ang pagtangkilik ng taong bayan sa lokal na pamilihan ng Talavera. Ang parangal na tinanggap ng pamahalaang bayan ay patunay ng pagsisikap ni Mayor Nerivi Santos Martinez na itaas ang antas ng kaalaman ng mga mamimili tungkol sa kanilang mga karapatan. Bunga rin nito ang suporta ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa pangunguna ni Ms. Rosemarie Reyes tungo sa patuloy na pag-unlad ng pamilihang bayan.

Ito ay isa lamang sa indikasyon ng maayos at mabuting pamamahala ng punong bayan upang matugunan ang kapakanan ng mga nagtitinda, mga mamimili at ng buong mamamayan ng Talavera. Tinanggap ni Ms. Rosemarie Reyes ang parangal kasama ang ilang empleyado ng BPLO at ng Rural Improvement Club (RIC) ng Talavera sa pangunguna ni Ms. Vicky Santos.

-MALR

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 - 1316

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!