
Distribution of Highschool Scholarship Allowance 1st Batch
Ngayong Araw ay 618 na High School scholars ang tumanggap ng kanilang allowance sa Talavera Scholarship Assistance Program ng Pamahalaang Bayan ng Talavera. Layunin ng programa na mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga kabataan ng Talavera na gustong mapagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ito ay patuloy na binibigyang prayoridad ng ating Punong Bayan Nerivi S. Martinez upang makatulong sa pagtupad ng pangarap sa bawat mag-aaral. Nakiisa rin sa programa sina LnB President JR Santos, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Lito Silva, Konsehal Joel Del Rosario, Sk President Ericka Arenas Mendoza, LnB Vice President Erwin Chioco at SAMAKABA Pres. Konsehla Rafael “Ape” Reyes. #NSM #NSerbisyongNERIVI #LingapJRSantos