DOH Inspection sa Dialysis Center

Kasama si Mayor Nerivi Santos-Martinez, nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Health (DOH) Central Office sa ginagawang Dialysis Center sa Bayan ng Talavera bilang unang proseso sa pagsisimula ng operasyon nito.Ipinakita rin sa mga bisita ang mga kumpletong kagamitan sa loob ng gusali, kasama ang mga staff na nakatakdang manatili sa center, at ang malawak nitong silid na may 16-yunit na kapasidad.
Ang isinagawang inspeksyon ay bahagi ng paghahanda ng bayan sa nalalapit nitong pagbubukas. Ang programang pangkalusugan na ito ay prayoridad ng pamahalaang bayan upang makapaghandog ng libreng dialysis sa ating mga kababayan.

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality