
DWNE – Banderang Biyaya sa Talavera Ngayong 2023
BANDERANG BIYAYA SA TALAVERA NGAYONG 2023
AGA LINSANGAN
Punong puno ng biyaya ang bayan ng Talavera sa pag pagpasok ng taong 2023. Bitbit nito ang mga karangalang natamo sa nagdaang taon na inspirasyon sa patuloy na paglilingkod nina Mayor Nerito Santos Jr. At Vice Mayor Nerivi Santos Martinez.
Sa unang linggo pa lamang ng taon 22 mga piling estudyante ang tumanggap ng kaukulang sweldo sa kanilang isang buwang pansamantalang trabaho na tulong para sa kanilang pag aaral sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students o SPES kung saan 40 % ng pondo ay galing sa DOLE at 60% mula naman sa Munisipyo. Sinundan pa ito ng pamamahagi ng allowance sa 143 estudyante para naman sa kanilang Scholarship Assistance Program. Kasama pa rito ang mga libreng nag aaral sa kanilang Kolehiyong Bayan.
Matapos ang pagbibigay tulong sa mga estudyante 9 na mga reformists naman ang pinagkalooban ng halagang P10,000 bawat isa sa ilalim naman ng programang Livelihood Assistance Grant (LAG). Tag limang libong piso naman para sa 30 indibidwal na iginawad ngayong araw ika 10 ng Enero 2023.
Samantala kahapon January 9 Taong kasalukuyan binigyang pagkilala at pasasalamat naman nina Mayor Jr at Vice Mayor Nerivi ang bawat tanggapan at indibiduwal na malaking bahagi ang nagawa upang makamit ng bayan ng Talavera ang maraming gawad pagkilala at parangal buhat sa Provincial level, Regional at National level kabilang ang pinaka prestihiyosong Seal of Good Local Governance bilang Hall of Famer at Pinakamaringal na Pamilihang bayan sa lalawigan sa ika limang pagkakataon