
Farmer’s Consultative Meeting
Kalakip ang layuning mas mapalakas ang sektor ng agrikultura, malaman ang mga kinakaharap na pagsubok at alalahanin ng ating mga kababayang magsasaka at mangingisda, isang pagpupulong at konsultasyon ang kanilang dinaluhan kasama sina Mayor Nerivi Santos-Martinez, MPDC Evina Pablo, at OIC Municipal Agriculturist Flordeliza Cuison.
Kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaang bayan ang mga programang para sa pagsasaka lalo na sa panahong ito kung saan naapektuhan ng pandemya ang sektor ng agrikultura na nagsisilbing pangunahing kabuhayan ng ating mga kababayan.