Skip to main content

Fingerlings Distribution

Walo ( 8 ) sa ating mga kababayang may palaisdaan mula sa iba’t ibang barangay ang naging benepisyaryo at napagkalooban ng pinamahaging 131,000 na fingerlings at 1,000 na tilapia kada bag mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA BFAR) katuwang ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor JR at Vice Mayor Nerivi S. Martinez.
Dumalo sa isinagawang pamamahagi bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalan si Konsehal Ape Reyes na siyang nagpabatid ng lubos na pasasalamat ng ating bayan sa mga tulong at programa na ibinabahagi sa ating bayan ng Department of Agriculture para sa ating mga minamahal na kababayan.
Isang magandang hakbang ito patungo sa pagpapabuti ng pangkabuhayan ng ating mga kababayan na may palaisdaan. Patuloy nating susuportahan ang kanilang mga pagsisikap para sa mas magandang kinabukasan.

Official Website Talavera Municipality