Skip to main content

Flag Raising Ceremony

Ngayong araw ng Lunes, ika-10 ng Hunyo, idinaos ang Flag Raising Ceremony sa Talavera Municipal Gym na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa ikalawang linggo ng Hunyo 2024.
Kasabay nito ay binigyang parangal ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez ang ating outgoing Talavera PNP Chief na si PMAJ Domingo Resma Jr. para sa kanyang naging malaking kontribusyon sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa ating bayan. Sinundan naman ito ng pagbibigay ng mensahe ng pasasalamat ni PMAJ Domingo Resma Jr. sa tulong, pakikiisa at suport ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang mga naging programa at proyekto. Kasabay nito ay binigyan din ng pagkilala ang ating newly appointed PNP Chief na si PLTCOL Manny E. Israel.
Binigyang-pugay at pagkilala din ng Lokal na Pamahalaan ang ating mga mahuhusay na estudyante mula sa ASKI Skills and Knowledge Institute Inc. na lumahok sa ginanap na Central Luzon Regional Athletic Association Meet (CLRAA) at Provincial Meet 2024.
Sila ay nagkamit ng mga sumusunod na parangal:
Central Luzon Regional Athletic Association Meet (CLRAA):
DARON CHESTER LOVENDINO (Archery)
Coach: Dennis Dela Cruz (THNS)
– 6 Archery Event
– 1 Gold
– 5 Silver
– Palarong Pambansa Qualifier
Provincial Meet:
DARON CHESTER LOVENDINO (Archery)
Coach: Dennis Dela Cruz (THNS)
– 4 Archery Event
– 2 Silver
– 2 Bronze
HONEY JECELYN CULALA (Athletic)
Coach: Allan Villota (THNS)
– 2 Running Event
– 2 Silver
GIAN MARK ESTEBAN (Athletic)
Coach: Allan Villota (THNS)
– 3 Running Events
– 2 Gold
– 1 Silver
Sports Coordinator: Ian Carlo V. Dela Cruz (ASKI Skills and Knowledge Institute Inc.)
Congratulations at Mabuhay po kayo! ❤
#MayorJRSantos #VMNeriviSantosMartinez
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi #LingapAtMalasakit

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality