
Flag Raising Ceremony and Awarding of Drug Cleared Barangay
Accounting Office ang nanguna sa Flag Raising Ceremony ngayong araw ng Lunes.
Kasabay nito ay iginawad ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang sertipikasyon ng mga barangay na itinanghal ng Regional Oversight Committee for Barangay Drug Clearing Program na DRUG-CLEARED. Kabilang dito ang mga barangay ng Tabacao, Pinagpanaan, Kinalanguyan, Baluga, Sicsican Matanda, Bacal I, at San Ricardo.
Kinilala rin ang pitong mga barangay ng Talavera na nakapagpanatili ng kanilang DRUG-CLEARED STATUS kabilang ang mga barangay ng Basang Hamog, Casulucan Este, Caputican, Paludpod, Pulong San Miguel, Mamandil, at Cabubulaunan.
Congratulations to all barangays!