Skip to main content

Food For Work Program


300 na tricycle at jeepney drivers ang naging benepisyaryo ng Food for Work program ng Nueva Ecija Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni Gov. Oyie M. Umali at Vice Gov. Doc Anthony Umali katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Talavera kasama si Mayor Nerivi Santos Martinez.
Sa pamamagitan ng programa, naghandog ng libreng seedlings ang kapitolyo sa mga benepisyaryo upang sila ay makapagtanim ng gulay sa kanilang mga bakuran. Sa tulong nito, magkakaroon sila ng sapat at tuloy-tuloy na pagkukuhanan ng pagkain sa hapag lalo na ngayong pandemya. Kapalit ng kanilang pagsisikap na magtanim sa bakuran, tumanggap ang mga benepisyaryo ng food packs mula sa PSWDO.
Malaking suporta rin ang programa sa Gulayan Program ng Pamahalaang Bayan ng Talavera.
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#AlagangUMALI

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality