Gabaldon, Bumisita sa BOSS

Bumisita ang ilang konsehal at miyembro ng Pamahalaang Lokal ng Gabaldon sa Pamahalaang Bayan ng Talavera upang maglakbay aral tungkol sa Business One Stop Shop (BOSS) ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) nitong ika-4 ng Abril taong kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng BOSS, mas napadadali ang proseso at pagpaparehistro ng business permits para sa mga gustong makapagsimula ng negosyo. Dahil dito, maaaring matapos ang proseso sa loob lamang ng ilang minuto. Masasabing malaki ang naitutulong ng BOSS sa Pamahalaang Bayan ng Talavera dahil mas nadaragdagan ang mga negosyanteng nabibigyan ng serbisyo. Matapos bumisita sa opisina ng BPLO, ang lakbay aral ay sinundan ng isang presentasyon tungkol sa BOSS kabilang ang mga pag-unlad na naganap sa Talavera sa mga nagdaang taon.

Kasama rito ang Negosyo Center

Nagpahayag ng paghanga ang mga bisita sa patuloy na pag-unlad ng Talavera mula sa pagproseso ng business permits hanggang sa mga negosyong nakatayo sa bayan. Ayon sa kanila, ang pagsasakatuparan ng BOSS ay isang magandang ehemplo sa katulad nilang mga bayan kaya’t nagpahayag sila ng kagustuhang isakatuparan ang nasabing proseso sa pamahalaaang lokal ng Gabaldon. Patuloy na nagsisikap ang Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pagbibigay ng tamang serbisyo sa bawat isa at nananatiling bukas sa ibang mga bayan upang magsilbing ehemplo ng pag-unlad.

Nakiisa sa lakbay aral ang ilang konsehal ng Pamahalaang Lokal ng Gabaldon na sina Konsehal Adel Manabat, Konsehal Luis Danao Sr. at Konsehal Alfredo Macasieb Dumalo rin sina SFO2 Peter Gabrillo (BFP), Jonathan Pagaragan (MTO), Joesa Peralta (MENRO), Banaag Leodones Jr. (MEO), Guillermo Omigo (MHO), Henry Marnon (MA), Antonio Lapitan Sr., Lolita Galapon, Charbie De Guzman, Jannet Alejandro, Sirppa Vicente at Rogelio Vornadal. (MALR)

Gallery

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!