Gawad Timpukan 2022

Dahil sa pagiging Awardee ng Seal of Good Local Governance (SGLG), ginawaran ng limang milyong piso (P5,000,000) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Bayan ng Talavera. Ito ang kaukulang insentibong tinanggap ng bawat munisipalidad na kinilala ng ahensya.
Personal na tinanggap ni Mayor JR Santos ang tseke kasama si DILG Pamela S. Hierco kasabay ng ginanap na Gawad Timpukan 2022 sa Widus Hotel and Casino, Clark Freeport Zone, Pampanga.
Sa pamamagitan nito, matutustusan ng pamahalaang bayan ang mga priyoridad na proyekto sa pagpapaunlad. Umasa po kayo sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong diretso sa tao sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mahuhusay na programa para sa pag-unlad ng bawat isa at ng ating bayan.
« of 2 »

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality