
Generika Medical Mission
Isang Libreng Medical Mission ang matagumpay na isinagawa ng Generika Drugstore katuwang ang LGU Talavera sa pangunguna ni Generika Drugstore President & CEO na si Atty. Yet Abarca kasama sina Regional Operations Manager Dan Vilda, Area Operations Manager Jaime Mendoza, Marketing and Communications Head Amy Leonardo, PR and Communications Manager Tin Dela Cruz, Retail Promotions Unit Rica Mirador at Corporate Pharmacy Head Janice Blazo na ginanap sa Himnasyo ng Talavera.
Kasamang nakiisa sa gawain si Mayor JR Santos kasama sina Konsehal Nel Rayo, Konsehal Joel Del Rosario at Konsehal Rafael “Ape” Reyes.
Isang taos pusong pasasalamat sa Generika Drugstore sa inyong tulong pangkalusugan para sa mamamayan ng Talavera. Mabuhay po kayo! ❤️