Skip to main content

GIP Allowance Distribution

Sa pamamagitan ng Government Internship Program (GIP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pamumuno ni Mayor Nerivi Santos Martinez, 56 nating mga kababayan ang tumanggap ng kanilang allowance matapos nilang isagawa ang Skills Survey Assessment sa loob ng anim na buwan.
Layon ng programa na magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na makapaglingkod sa pamamagitan ng pagseserbisyo sa mga ahensya ng gobyerno at makapagbigay sa kanila ng oportunidad na maipakita ang kanilang kakayahan pagdating sa larangan ng serbisyo-publiko.
Kasamang dumalo sa programa sina LnB President JR Santos, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Lito Silva, Konsehal Joel Del Rosario, SK Pres. Ericka Arenas Mendoza at SAMAKABA Pres. Konsehal Rafael “Ape” Reyes.
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#GIP

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality