Skip to main content

GP Party List Caravan

Naging matagumpay ang isinagawang “GP Partylist Caravan” sa pangunguna ni GP Partylist Cong. GP Padiernos kasama ang kanyang anak na si Sec. Gen. GP Partylist Atty. JP Padiernos na ginanap sa Municipal Gym. Ipinakita ng GP Partylist Caravan ang kanilang tulong malasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga mamamayan. Kasama rito ang Libreng Gupit at Masahe, Libreng Gamot, Libreng Eye Check-up, TESDA Scholarships, Assistance pang-Educational, Medical, at Burial.
Kasamang nakiisa sa programa si Mayor JR Santos ,VM Nerivi S. Martinez, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Erwin Chioco, at Ginoong Atong Palilio.
Isang taos pusong pasasalamat sa GP Partylist sa inyong tulong na nagbibigay ng malasakit at pag-asa para sa mamamayan ng Talavera. Mabuhay po kayo! ❤️

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality