Skip to main content

Ground Breaking: 4.2km FMR Barangay Caaninaplahan, Mabuhay, Valle

Bilang bahagi ng “Serbisyong Diretso sa Tao Program” ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez, ginanap ngayong araw ng Martes, Nobyembre 21, 2023 ang Ground Breaking Ceremony sa isasagawang Concreting ng 4.2km Farm-to-Market Road sa Brgy. Caaninaplahan-Brgy. Mabuhay-Brgy. Valle, Talavera. Kasamang dumalo at nakiisa sa progama sina Municipal Administrator Nerito L. Santos, Municipal Engineer Alfredo Atraje, Konsehal Ape Reyes, Konsehal Erwin Chioco, Barangay Councilor Marcelino De Jesus, Kapt. Virgilio Tayao ng Brgy. Dimasalang Norte, Kapt. Wilfredo Dela Cruz ng Brgy. Caaninaplahan, Kapt. Efren Olar ng Brgy. Valle, at Kapt. Eduardo Angeles ng Brgy. Mabuhay.
Layunin ng mga programang pang impastraktura ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez na makapagbigay ng suporta at ginhawa at matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Lubos na nagpapasalamat ang mga Talaveraños kay Sen. Robin Padilla dahil sa patuloy na pagsuporta nito at isa sa mga naging daan upang maisakatuparan ang mga proyektong ito para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating Bayan.
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality