Skip to main content

Happy Mother’s Day


Ang Lokal na Pamahalaan ng Talavera sa pangunguna ng ating Punong Bayan Nerito S. Santos Jr. at Pangalawang Punong Bayan Nerivi S. Martinez ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Mother’s day ngayong araw ng Linggo, ika-12 ng Mayo.
Sa muli, ating salubungin at ipagdiwang ang pagmamahal at sakripisyo ng mga ina na naglaan ng kanilang buhay para sa atin. Sila ang nag-aalaga, nagaasikaso at patuloy na nagmamahal sa atin. Bigyan natin sila ng pasasalamat at mahigpit na yakap upang maipadama ang ating pagmamahal. Tandaan natin na ang pagpapahalaga sa kanila ay hindi lamang dapat ngayong araw lamang, kundi araw-araw.
Sa lahat ng ating MAMA, MOMMY, INAY, o INANG. Maraming Salamat po sa inyong pagmamahal at sakripisyo. Kayo po ang tunay na ilaw ng aming tahanan! Happy Mother’s Day po! ❤
#MothersDay2024
#SerbisyongDiretsoSaTao #TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

Official Website Talavera Municipality