Skip to main content

Ika-10 Taunang Pagtatapos ng Sampaloc Elementary School

Dumalo si Mayor JR Santos bilang panauhing pandangal sa ginanap na Araw ng Pagtatapos, Paglilipat Antas at Pagkilala, ng Sampaloc Elementary School ngayong araw ng Biyernes, ika-31 ng Mayo 2024. Kasama din na dumalo sa ginanap na programa sina LnB Vice Pres. Kapt. Virgilio Tayao, Talavera North School District Supervisor Ma’am Marilou Buenaventura at si Kapitan Sylvia Grace De Luna bilang panauhing tagapagsalita. Binabati at pinapupurihan namin ang inyong tagumpay! Isang karangalan sa ating bayan ang inyong mga nakamit. Patuloy ninyong samahan ang pamahalaan sa pagtahak sa inyong mga pangarap. ❤️
#MayorJRSantos
#VMNeriviSantosMartinez
#SerbisyongDiretsoSaTao #TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality