Skip to main content

Ika-126 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

Ngayong araw ng Miyerkules, ika-12 ng Hunyo 2024, ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera ang ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na may tema: “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” sa pangunguna ng Talavera South District sa pamumuno ni Talavera South District Supervisor Apollo A. Lactao at Lokal na Pamahalaan sa pamumuno nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez.
Dumalo at nakiisa din sa ginanap na programa sina Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Ape Reyes, Konsehal Lito Silva, Konsehal Nel Rayo, LnB Pres. Kapt. Ben Tiangco, LnB Vice Pres. Kapt. Virgilio Tayao, SK Fed. Pres. Amir Ayson, Tabacao SK Chairman Alliah Garingo, National Agencies, ating mga Senior Citizens, mga kawani ng Lokal na Pamahalan, Talavera North District Supervisor Marilou R. Buenaventura, PhD, LL.B, Faculty & Staff mula sa Talavera North at South District, at Talavera Masonic Lodge 273.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang Doksolohiya mula sa Koro ng Timog Talavera, na sinundan ng isang panalangin sa pangunguna ni Head Teacher III Sheila Bulanadi, Pambansang Awit mula sa Koro ng Timog Talavera, Panunumpa sa Watawat sa pangunguna ni Head Teacher III Marc Arvi Quiroz, Pagpupugay sa Watawat mula sa Samahang Mason, at isang bating pagtanggap mula kay Mun. Admin. Nerito L. Santos.
Nagkaroon din ng isang pampasiglang bilang mula sa San Ricardo National High School at Sibul National High School na sinundan ng Pagbabalik tanaw sa Kasaysayan ng Kalayaan mula kay Caputican ES School Principal Noel Bulanadi at isang mensahe mula kay OWWA RWO 3 Regional Director Ma. Lourdes Reyes, na sinundan ng isang makabuluhang mensahe mula kina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez.
Winakasan ang programa ng isang pananalita mula kay Talavera South District Supervisor Apollo A. Lactao, Panlahatang awit mula sa Koro ng Timog Talavera, at Pag-aalay ng Bulaklak ng mga Kagawaran at ahensya ng Lokal at Nasyonal na Pamahalaan.
Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang mga magigiting na Pilipino!
#MayorJRSantos #VMNeriviSantosMartinez #SerbisyongMayMalasakitNaDiretsoSaTao #TatakJRVi

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality